Advertisers
ARESTADO ang isang blogger na naglabas ng kaniyang sariling video na sinisira ang bagong perang papel ng Pilipinas.
Kinilala ang inaresto na si Arnold Rogero alias Cholo TV, 34, residente ng Brgy. Commonwealth, Quezon city at mayroon 248,000 followers sa kanyang Facebook page.
Ayon kay ACG spokesperson Capt. Michelle Sabino, inaresto si Rogero sa pamamagitan ng arrest warrant ng mga operatiba ng police anti-cybercrime group sa kaniyang bahay sa Brgy. Commonwealth 9:30 ng umaga nitong Miyerkoles.
Inihain kay Rogero ang warrant of arrest na inisyu ni Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 133 Judge Gloria Monica Lopez-Lao dahil sa paglabag sa Presidential Decree 247, na nagbabawal at nagpaparusa sa defacement, mutilation, puniting, burning o destruction ng central bank notes at coin.
Mahaharap sa kaso si Rogero ng itinakdang piyansa sa halagang P30,000 habang mananagot din ang lima pang content creator sa pagpapakita ng videos sa pagsira ng mga bagong bank notes.