Advertisers

Advertisers

22 turista nasagip sa lumubog na bangka

0 146

Advertisers

Aabot sa 22 turista ang nasagip nang lumubog ang isang recreational boat sa Lamon Bay patungong Calaguas Islands sa Vinzons, Camarines Norte noong Sabado.

Kasama umano sa mga nasagip ang 3 taong gulang na bata at ilang turistang galing Rizal province.

Ayon kay Bobby Camacho ng Philippine Coast Guard-Vinzons, naligtas ang mga pasahero ng mga rumespondeng mangingisda at tour guide.



Maganda ang panahon nang mangyari ang insidente at posibleng sumadsad umano sa bahura ang bangka bago mahampas ng alon dulot ng malakas na bugso ng hangin.

Nasa 1.5 nautical miles pa lang umano ang layo ng bangka sa bukana ng ilog kung saan naroroon ang Minaogan Port sa Vinzons nang lumubog.

Kinansela umano ng ilang nailigtas na turista ang pagpunta sa isla pero may mga hindi nagpapigil at itinuloy ang bakasyon.

Nagpaalala naman ang Philippine Coast Guard sa mga turista at tour operator na ugaliing alamin ang lagay ng panahon bago bumiyahe.

“Observe weather condition. Hindi naman po tayo nagpapabaya sa paalalang ‘yan,” ani Camacho.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">