Advertisers

Advertisers

7 magkakamag-anak kinain ng apoy sa Rizal

0 156

Advertisers

NASAWI ang pitong magkakamag-anak habang isa ang sugatan sa sunog sa isang residential area sa Barangay San Juan, Taytay, Rizal, Sabado ng gabi.

Ayon kay Taytay Fire Marshall Inspector Raymond Cantillon, kinikilala pa ng mga awtoridad ang mga nasawi.

Sa ulat, nagsimula ang sunog 9:47 ng gabi, na sa loob palang ng 15 minuto ay itinaas na sa ikatlong alarma.



Idineklara naman na fire out 11:05 ng gabi.

Sinabi ni Cantillon, nag-overheat na electric fan ang posibleng sanhi ng sunog.

Nasa 60 pamilya ang naapektuhan ng sunog na tumupok sa 40 bahay.