Advertisers

Advertisers

Negosyante ninakawan, pinatay pa

0 234

Advertisers

BINAWIAN ng buhay ang isang negosyante sa pamamaril at pagnanakaw sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Saguira Opam, 41, may asawa, buy and sell trader at residente ng Shariff Aguak, Maguindanao.
Ayon sa ulat, sakay ang biktima ng kanyang minamanehong motorsiklo kasama ang menor de edad na anak papauwi mula sa tindahan nito. Pagsapit ng mag-ina sa Barangay Balong, Shariff Aguak, bigla silang hinarang ng mga armadong lalaki at pilit kinuha ang bag ng negosyante na naglalaman ng P200,000.00.
Nagtangka manlaban ang biktima kaya binaril ito ng mga salarin gamit ang kalibre.45 pistola.
Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo tangay ang bag ng biktima.
Patay kaagad si Opam sa mga tama ng bala sa kanyang ulo at dibdib, habang nakaligtas ang kanyang anak na hindi ginalaw ng mga salarin.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Shariff Aguak PNP sa krimen.(PFT team)