Advertisers

Advertisers

2 bangkay ibinasura sa magkahiwalay na bayan sa Capiz

0 271

Advertisers

DALAWANG bangkay ng isang lalaki at isang babae na pinaniniwalaang magkakilala ang natagpuan sa magkahiwalay na bayan ng Capiz.
Nakilala ang babae na si Rose Bering, taga-Anilao, Iloilo; at hindi naman pinangalanan ang lalaki.
Sa ulat, nakagapos ang mga kamay, may takip ang mukha at may tama ng bala ang bangkay ng lalaki na natagpuan sa bayan ng Dumalag, habang ang bangkay ni Bering ay natagpuan sa bayan ng Dumarao na may tama rin ng bala sa katawan.
Ayon sa pulisya, magkakilala ang dalawa base sa nakitang litrato sa Facebook ng lalaki.(PFT team)