Advertisers

Advertisers

Mister iniwan ni misis, nabaliw: Ina at utol tinaga

0 312

Advertisers

NABURYONG ang isang lalaki na iniwan ng misis nito, pinagtataga ang natutulog na ina at kapatid sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Cabisera 2, Ilagan City, Isabela.
Kinilala ang mag-inang biktima na sina Dina at Jay-ar Farinas na nagtamo ng mga taga ng itak at nasa Faustino Dy Sr Memorial Hospital kungsaan sila inoobserbahan.
Agad namang naaresto ang salarin na si Manuel Farinas.
Ayon sa ulat, simula nang iwanan si Manuel ng kanyang misis, hindi na ito nakakatulog at parang may bumubulong umano na diyablo kay Manuel para gawin ang karumal-dumal na krimen.
Inihahanda na ang kasong isasampa laban kay Manuel. (Ace Ramales)