Advertisers

Advertisers

Lakers road to playoffs

0 226

Advertisers

Maraming namangha sa pagpasok ng Los Angeles Lakers sa post-season.

Nilitson na sila ng mga kritiko noon. Pati mga tagahanga ay nawalan na ng pag-asa. Tanging yung mga diehard na lang ang naniwala kina LeBron.

Mangyari 2-10 ang simula ng prangkisa ng mga Buss. Madalas nasa pang-11 hanggang pang-13 silang puwesto sa Western Conference. 5 hanggang 6 below sa .500 lang ang Lakers.



Pero nagbago ang kapalaran matapos ang trade deadline. Nawala na sina Russell Westbrook, Patrick Beverley, Kendrick Nunn at Juan Toscano Anderson. Dumating naman sina D’Angelo Russell, Jared Vanderbilt, Michael Beasley, Mo Bamba at Rui Hachimura.

Hayun gumanda na laro nila dahil mas tumangkad, mas bumata at mas humusay sa tres.

Nakabalik na rin sa injury sina James at Anthony Davis.

Talagang gumaling ang line-up[.

Naka 18-9 na record pa sila sa mga huling game. Nasemento pa nila ang 7th seed sa WC.



Ang tanong ngayon ay kung kaya nila makarating sa NBA Finals. Bale 3 round at 12 W ang kailangan nila para makaharap ang lalabas na kampeon ng Eastern Conference.

Yaka ba LBJ?

***

Nakakatuwa si Lauri Markkanen ng Jazz dahil gagampanan niya ngayong summer ang mandatory military training ng kanyang bansang Finaland. Lahat kasi ng mga lalkeng Finnish ay kailangan gawin ito bago umedad ng 30 anos.

Nguni’t hindi pala nag-iisa ang All-Star ng Utah dahil marami nang nauna sa kanyang mga NBA player na naiskatuparan ang requirement sa kanilang mga citizen.

” I take pride in doing this duty for my home country,” wika ng 25 na taon na forward.

” It is also to set a good example for others,” dagdag ng produkto ng University of Arizona.

Ilan pa sa kanila na gaya ni Matkkanen ay sina Giannis Antekounmpo para sa Greece, Nikola Jokic ng Serbia at Luka Doncic ng Slovenia.

Sa atin ba? Exempted pa nga ang mga basketbolista sa ROTC eh. Hehehe.
***
Nang matalo ang Ginebra sa Game 2 ng PBA Finals ay sinabi kaagad ng iba na pinagbigyan lang yang TNT para humaba ang serye.

Kung ganoon pala ay bakit pa kayo nananatiling follower ng koponan o ng liga mismo? Hala!