Advertisers

Advertisers

3 magkakapatid na nakapatay sa bumugbog sa kanilang ama noong 2016 timbog

0 124

Advertisers

NAHULI na ang tatlong magkakapatid na nakapatay sa gumulpi sa kanilang tatay noong 2016.

Magkakasunod na naaresto ng pulisya ang magkakapatid na Mark Anthony Gubat na nahuli sa pinapasukan nito sa Malabon; Lloyd sa Rodriguez, Rizal; at Morrish Ann sa San Mateo.

Ang mga suspek ay nasorpresa ng mga operatiba ng PNP- CIDG Detection and Special Operations Unit nang ihain sa kanila ang arrest warrant.



Ayon sa mga suspek, ipinagtanggol nila ang kanilang mga sarili nang sumugod sa bahay nila ang mga gumulpi sa kanilang ama na ikinamatay naman ng isa sa mga gumulpi.

Sa imbestigasyon ng CIDG, nabatid na naganap ang insidente walong taon na ang nakalipas.

Nakipag-inuman noon ang tatay ng magkakapatid at umuwi ito na may mga pasa. Tapos sinundan ito ng mga kainuman at binugbog.

Dahil dito, napatay ng magkakapatid ang isa sa tatlong lumusob sa kanilang bahay.

“Pagkakuha ko ng kutsilyo lumaban na po ako. Kasi sumugod po sila hanggang sa loob,” giit ng isa sa magkakapatid na si Lloyd.



Pinaghahanap din sa kasong murder ang ama nila na si Eddie, na susuko na sana pero naudlot. (JUN FABON)