Advertisers
NALIBING ng buhay ang 54-anyos na lalaki nang gumuho ang lupang hinuhukay nila sa Barangay Sto. Cristo, Hermosa, Bataan, Lunes ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Marcos Nolasco, taga-San Jose del Monte, Bulacan.
Ayon sa ulat, 2:30 ng hapon nang gumuho ang lupa sa gilid mula sa 20 talampakang lalim na hukay na pinagtatrabahuhan ng biktima.
Pagmamay-ari ang lugar ng isang Lucile Basi Enriquez.
Kaagad humingi ng tulong sa Hermosa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang mga kasamahan ni Nolasco. Bandang 6:00 na ng gabi nang ihinto muna ang paghuhukay at hindi parin na-retrieve ang katawan ng biktima.
Kilala ang Bataan na maraming nakabaong mga ginto sa iba’t ibang lugar na bahagi umano ng pamosong Yamashita treasures na pinaniniwalaang ibinaon noong kasagsagan ng World War 2. (James de Jesus)