Advertisers
NASAMSAM ang P3.2 milyon halaga ng shabu sa 2 drug suspects sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Bamban, Tarlac.
Kinilala ang mga nadakip na sina Asnoden Hassan alyas “Anthon”, 23, ng Baltazar Kaliwa, Brgy. Sto. Tomas, Pasig City; at Renz Keizer Tarca Bermudez alyas “Renz”, 19, ng E. Santos, Brgy. Palatiw, Pasig City.
Ayon sa ulat, isinagawa ang buy bust operation ng mga elemento ng PDEA Region III, Tarlac at Pampanga Provincial Offices, PRO-3 Regional Drug Enforcement Unit (RDEU), sa kahabaan ng McArthur Hiway sa Brgy. San Roque.
Nakumpiska sa mga tulak ang isang plastic bag na naglalaman shabu na may timbang na 500 grams, nagkakahalaga ng P3.4 million. (Mark Obleada)