Advertisers

Advertisers

Ate Vi enjoy maging yaya ng apong si Peanut; Bea pinersonal, kinalimutang banggitin sa report sa TV Patrol

0 179

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

TAKANG-taka ang netizens at fans ni Bea Alonzo kung bakit hindi nila ito narinig sa report ng TV Patrol. Kasama naman si Bea sa Ang Larawan na pinagsama ang mga taga-entablado at pelikula.
Halos lahat ng kasali sa Ang Larawan ay nabanggit sa report sa TV Patrol.
Samantalang sa picture, video at rehearsal ay kasali si Bea.
Kaya nainis ang mga fan ni Bea kung bakit di binanggit ang namesung ng dating Kapamilya na naging Kapuso.
Kaya naisip ng netizens na sinadya ba o nalimutang mabanggit.
Sey ng netizens na malabo na malimutan si Bea dahil kasama siya sa mga video at larawan na nagre rehearse.
Naisip tuloy ng netizens na alam na raw this dahil siguro sa pagsampa nito sa kalabang network.
Tila nakakabastos naman daw sa parte ni Bea ang di pagbanggit sa name nito pero nabanggit ang at iba pa.
***
IBINAHAGI ni Ate Vi or Vilma Santos ang pagiging first time Lola.
Sa pag amin ng Star for All Seasons na masarap sa feeling na maka bonding ang panganay nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Baby Peanut or Isabelle Rose.
As in, hiniram-hiram nga ng award winning actress ang apo.
At talaga namang nagpapaka-yaya ito sa apo at enjoy naman ito sa paghehele, pagpapalit ng diapers at pagtitimpla ng dede ni Baby Peanut.
Ang mga naging lola ay talagang mas mahal na ang bunga ng kanilang mga anak.
Dagdag tsika pa ni Ate Vi na di pa nila masyado ini-exposed si Baby Peanut dahil di pa kumpleto ang vaccine nito.
Well, well, well…’Yun na!