Advertisers
HUWAG pagtiwalaan ang China sa maraming isyu. Huwag isapalaran ang kinabukasan ng bansa sa China. Isa itong estadong haragan at gagawin ang lahat upang pagsamantalahan lang tayo. Wala tayong mapapala sa China.
Kontrabida ang China dahil kinamkam nito ang ating teritoryo, kinulimbat ang ating likas na yaman, at inangkin ang halos buong karagatan, ang South China Sea. Nagtayo sila ng base militar kahit sa mga isla sa loob ng ating exclusive economic zone (EEZ). Nilabag nila ang mga pandaigdigang batas sa copyright at patent, itinambak sa pandaigdigang pamilihan ang mga pekeng produkto, at ninakaw ang sikreto sa industriya.
Hindi ito ang katapusan ng lahat-lahat ng masamang gawain ng China. Inaatake ng China ang mga sistema sa cyberspace pandaigdig at nag-eespiya sa ating aktibidad sa pamamagitan ng pakikinig sa ating mga usapan. Huwag magtitiwala sa China. Tanging si Rodrigo Duterte, Bong Go, Ronald delaRosa, Grupong Davao, at ilang taksil na pulitiko ang sumasamba sa China. Huwag maging traydor sa bansa natin.
***
NOONG Sabado, nagkita si BBM at China Foreign Minister Qin Gang na dumating sa Filipinas sa isang araw na pulong sa kanyang counterpart na si DFA Secretary Enrique Manalo. Nagpunta si Gang sa Malacanang upang magpugay kay BBM bilang bahagi ng protocol ng isang bumibisitang opisyal ng ibang bansa.
Hindi namin maintindihan kung ano ang pakay ni Gang sa pagpunta sa Filipinas. Ang alam namin ay pupunta si BBM sa Washngton upang makipagkita sa Mayo 1 kay U.S. President Joe Biden upang talakayin ang usapin ng alyansa ng dalawang bansa. Hindi namin alam kung ano ang iaapela ni Gang. Malinaw ang alyansa sa pagitan ng Estados Unidos at Filipinas. Pinanday ito ng mga lider ng dalawang bansa sa maraming okasyon.
Katatapos lang ng Balikatan, ang pagsasanay ng magkasamang hukbo ng Filipinas at Estados Unidos. Pinakamalaki ito at naulat na aabot sa 17,000 sundalo (12,000 Amerikano, at 5,000 Filipino) ang sumali sa pagsasanay. Hindi kami nagtataka kung kabahan ang Peking sa Balikatan. Maaaring ito ang dahilan kung bakit nandito si Gang.
Ang nakakagulat ay ang inilabas na communique tungkol sa pagbisita ni Gang. Walang malinaw na pinag-usapan at pinagkasunduan. Kapag binasa ng mainsinan, iisa ang tinutumbok at pinakakahulugan ng kalatas sa kabuuan. Nagkasundo sila na magkasundo. Anong uri ng kalatas ang isinaad ng communique sa madla?
Ang pinakamagandang magagawa ng China sa kasalukuyan ay iurong ang walang batayang pag-angkin sa halos kabuuan ng South China Sea, ang alisin ang kanyang hukbong pandagat sa exclusive economic zone (EEZ) ng Filipinas, wasakin ang kanilang base militar sa ating EEZ na itinayo sa pakikipagsabwatan kay Duterte at grupong Dabaw, at tanggapin ang 2016 desisyon ng Permanent Arbitration Commission ng UNCLOS.
Kaaway ng China ang buong mundo, sa totoo lang. Walang bansa ang natutuwa sa inaasal ng China sa international community. Tunay na naging haragang bansa ang China. Kailangan mag-isip ng Peking bago mahuli ang lahat.
***
SINO sa inyo ang nakakaalala kay Tiya Dely? Siya ang namayapang talent ng namayagpag sa radyo ng mahigit tatlo o apat na dekada sa mga usapin ng mga kababaihan sa bansa. Siya ang una na tumalakay ng women’s issues sa radio. Pakibasa ang aking post sa pakikipagtalakayan ko sa aking kaibigan na si T, isang Pinay na nakabase sa New York City.
ITO ANG INYONG TIYA DELY’
My discussions with T, my NYC-based friend, were on the late radio icon Tiya Dely. We recalled how Tiya Dely captured the collective heart and mind of many Filipino women, who were her avid listeners. It was probably the first radio program devoted to women’s issues. I told her that I recalled her single outstanding advice to Filipino womanhood during those days and I said that I don’t like it a bit: “Magtiis-tiis ka pa.” It was advice that resonated to create a mindset of a martyr among Filipino women. She countered that Tiya Dely, in a way, could be credited for raising the consciousness of Filipino women toward a strong and empowered womanhood. In a way, it was true but to a certain extent. Not at all times, though. I don’t like the idea of a battered Filipino woman, who just accepted her sad fate without recourse to justice.
T recalled that her mom won a contest in Tiya Dely’s program and she took home some goodies as her prize. We both recalled that her mom and my Lola Fely turned on the radio at exactly 3pm to listen to Tiya Dely. The late Tiya Dely was Dely Magpayo, a Kapampangan, who lived in Marikina, a suburban town during those days. Her program was one of the highest rated radio programs of her time. I saw her once in person when she was a guest speaker in a convocation in college. I swear that she truly looked elegant and gorgeous for her age. Admirable. This is the prize of talking with somebody of your age. You talk of the same beef. No frills, no fusses.
***
MAAARING hindi ganap na nauunawaan ng maraming netizen na isa si Dick Gordon sa mga nakahabla sa ICC sa sakdal na crimes against humanity laban kay Rodrigo Duterte at mga kasapakat sa malawakang patayan kaugnay sa madugo pero bigo na digmaan kontra droga. Isinulat ko ito noong 2017 ngunit may saysay pa rin sa gitna ng formal investigation ng ICC.
FIRST CASUALTY.
Most probably, the first casualty of the 77-page complaint of crime against humanity lodged against the sick old man and 11 others before the International Criminal Court is Dick Gordon. Dick Gordon has apparently forgotten that he is the top honcho of the Philippine Red Cross, which is the local affiliate of the International Red Cross and Red Crescent Movement. Gordon has taken a stand that seemingly favors the old sick man’s antidrug war, which is fundamentally premised on violence as reflected by the more than 8,000 incidents of extrajudicial killings (EJKs).
Dick Gordon’s political stance is very different or the exact opposite of the International Red Cross and Red Crescent Movement’s. Wikipedia says the following: “The International Red Cross and Red Crescent Movement is an international humanitarian movement with approximately 97 million volunteers, members and staff worldwide which was founded to protect human life and health, to ensure respect for all human beings, and to prevent and alleviate human suffering.”
Definitely, Dick Gordon’s prestige before the international community would suffer as a consequence of the complaint before the ICC. Who would take him seriously even in his own organization? How he would answer the complaint is a big question. Let’s listen to him.
***
MGA PILING SALITA: “After marriage, husband & wife become two sides of a coin; they can’t face each other, but still they stay together.” – Al Gore
“Why would this government even entertain the Chinese foreign minister? After all the skullduggery behavior the Chinese have shown time and time again? No wonder they treat us like slaves. Nakakahiya ang Pilipinas kung ganyan ang trato natin sa sarili.” – Bob Blue Magoos, netizen, kritiko