Advertisers

Advertisers

James, Davis sanib puwersa sa panalo ng lakers vs Grizzlies

0 127

Advertisers

KUMAMADA si Anthony Davis ng 31 points at 17 rebounds, habang umayoda ng 25 markers si LeBron James upang buhatin ang Los Angeles Lakers sa 111-101 wagi laban sa Memphis Grizzlies at kunin ang 2-1 lead sa kanilang Western Conference first-round playoff series.

Nag-ambag si Rui Hachimura ng 16 points para sa seventh-seeded na Los Angeles na dinuplikahan ang NBA record na 26-point lead sa second quarter.

Hindi na nakalapit ang No. 2 Memphis na nakahugot kay Ja Morant ng 24 points sa fourth quarter.



Tumapos si Morant na may 45 points, 13 assists at 9 rebounds sa kanyang pagbabalik matapos ang one-game absence dahil sa namagang kanang kamay.

Ibinaon ng Lakers ang Grizzlies sa first period, 35-9, na hindi natapyasan ng Grizzlies hanggang sa final canto.



Napatalsk si Memphis forward Dillon Brooks sa unang 17 segundo ng third period nang tirahin si James sa kanyang maselang bahagi ng katawan.

Sa New York, humataw si Tobias Harris ng 25 points bukod sa 12 rebounds para banderahan ag No. 3 Philadelphia 76ers sa 96-88 pagsibak sa No. 6 Brooklyn Nets at kumpletuhin ang 4-0 sweep sa kanilang serye.



Nag-ambag si James Harden ng 17 points, 11 assists at 8 rebounds para sa 76ers na haharapn ang mananalo sa serye ng Boston Celtics at Atlanta Hawks sa confe­rence semifinals series.

Hawak ng Celtics ang 2-01 lead sa Hawks.

Hindi naglaro para sa Philadelphia si NBA leading sco­rer at MVP finalist Joel Embiid dahil sa kanyang sprained right knee na nangyari sa Game Three.

Umiskor si veteran guard Spencer Dinwiddie ng 20 points sa panig ng Brooklyn at may 19 markers at 12 rebounds si center Nic Claxton.

Sa Miami, kumamada si Jimmy Butler ng 30 points sa 121-99 paggupo ng No. 8 Heat sa top-seeded na Milwaukee Bucks at kunin ang 2-1 bentahe sa serye.

Wala pa rin si two-time MVP Giannis Antetokounmpo para sa Bucks dahil sa kanyang bruised lower back.