Advertisers

Advertisers

P300K marijuana plantation, nadiskubre sa Benguet

0 200

Advertisers

Tinatayang aabot sa mahigit P300K ang nadiskubre na marijuana plantation ng mga kapulisan sa Sitio Sekong Tangke, Barangay Ambuklao, Bokod, Benguet.

Ayon kay PCapt. Gilbert Anselmo, Acting Chief of Police ng Bokod Police Station ay kasamang nakadiskubre ang 2nd Provincial Mobile Force Company o PMFC at Regional Intelligence Unit ang halos mahigit 1,510 piraso ng fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng halos P300,000 na nakatanim sa 560 square meters malapit sa kalsada sa naturang lugar.

Matapos na madiskubre ang nasabing ipinagbabawal na gamot o marijuana ay agad na binunot at sinunog ng mga kapulisan sa naturang lugar.



Hanggang sa ngayon inaalam pa kung sino ang may-ari at nagtanim ng ipinagbabawal na gamot.(Rey Velasco)