Advertisers
NASAWI ang isang tsuper nang mahulog sa bangin ang dalang oil tanker truck sa bahagi ng Barangay Bone South, Aritao, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang nasawi na si Jay Luis, 32 anyos, residente ng Burgos, Isabela; habang sugatan ang pahinante na si Jerrywin Garcia, 35, ng San Mateo, Isabela na kasalukuyang ginagamot sa Region 02 Trauma Hospital.
Ayon kay Police Captain Roger Visitacion, Officer-in-Charge ng Aritao Police Station, iniwasan ni Luis ang isang sasakyan na nang-agaw ng linya kaya dumiretso ito sa bangin.
Nagawang makatalon ng pahinante na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang naipit sa loob ng sasakyan si Luis at kasamang nahulog.
Walang lamang krudo ang nahulog na oil tanker truck.(Rey Velasco)