Advertisers
WELCOME sa bagong Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., ang mga kritiko bilang independent source ng check and balance sa PNP.
Gayundin ay nanawagan siya sa mga miyembro ng mamamahayag ng kanilang suporta para maihatid ang ilang mga impormasyon o maparating sa publiko para rin sa kaayusan at kapayapaan ng bansa.
Sinabi pa ni Acorda, tinitiyak niya na magiging transparent ang pambansang kapulisan at kinakailangan ang suporta ng lahat para ang mga pagsubok na kinakaharap ng organisasyon ay malagpasan.
Binigyan diin ni Acorda na kailangan niya ang pagkakaisa ng pulisya, sambayanan at taumbayan.
Sa kaniyang talumpati, tinukoy ng bagong PNP Chief ang pagtuloy ng pagsugpo sa iligal na droga at gayundin ang internal cleansing. (Vanz Fernandez)