Advertisers
HINDI pa nakikita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pangangailangan na ibalik ang mandatory na pagsusuot ng face mask, sa kabila ng pagtaas muli ng Covid-19 cases sa bansa.
Sa panayam kay Pangulong Marcos sa loob ng eroplano, sinabi nito na kailangan pag-aralan ito muli.
Ayon sa Pangulo dapat maging masigasig muli sa paghihikayat na magpa-bakuna laban sa Covid-19 partikular ang mga kabataan.
Sinabi pa ng Pangulo, ang maiinit na panahon sa bansa ang nagiging dahilan sa pagiging vulnerable ng mga ito sa Covid-19.
Naka-antabay din ang Pangulo sa magiging guidance ng Inter-Agency Task Force (IATF) at maging ng Department of Health (DOH).