Advertisers
SA kulungan na ipinagpatuloy ng 34-anyos na lalaki ang selebrasyon ng kanyang kaarawan nang arestuhin ng pulisya matapos nitong saksakin ang girlfriend at kaibigan dahil sa selos sa Quezon City, Lunes ng hapon.
Kinilala ni Lt. Colonel Morgan Aguilar, Quezon City Police District Batasan Station (PS 6) commander, ang salarin na si Julio Ordinario Navarro, ng Barangay Batasan Hills, Quezon City.
Sa report, nagtungo ang isa sa mga biktima na si Nino Francis Delos Angeles sa bahay ni Navarro na nagdiriwang ng kanyang kaarawan at nag-inuman kasama ang live-in-partner ng huli na si Jenalyn Maja Gaan.
Napansin umano ni Navarro na sobrang malapit sa isa’t isa sina Delos Angeles at kanyang live-in-partner. Dahil sa matinding selos nagalit ito at kumuha ng gulok at tinaga ang dalawa.
Isinugod ang mga biktima sa kalapit na ospital at patuloy pang inoobserbahan.
Narekober ang gulok na ginamit sa pananaga ni Navarro.
Kakasuhan si Navarro ng ‘frustrated homicide’ sa Quezon City Prosecutor’s Office.