Advertisers

Advertisers

Koleksyon sa delivery itinakas ng bagong pasok pahinante

0 142

Advertisers

ISANG lalaki na namasukan bilang pahinante ng truck sa isang warehouse ang biglang naglaho tangay ang pera na nasingil para sa delivery ng mga produkto sa Pasig City.

Sa ulat, mag-iisang buwan palang na nagtatrabaho bilang pahinante sa bodega ng mga grocery items si Alvin Lariba, 25 anyos.

Makaraang mag-deliver ng mga produkto sa Bulacan nitong Lunes kasama ang driver at isa pang pahinante, hindi na pumasok sa trabaho si Lariba.



Dala ni Lariba nang umalis sakay ng bisikleta ang pera na dapat nilang ire-remit sa opisina.

“Sabi niya, kakain muna siya. Nagpasabay pa ako ng pabili ng ulam. Siguro, mag-i-isang oras na, wala nang dumating na Alvin,” ani Eleuterio Alesna, driver.

Ang pahinante rin na si Mario Delos Angeles, sinabing palabiro raw si Lariba at hindi niya inakala na magagawa nito ang pagtangay sa pera.

Ayon kay Alesna, mayroong problema sa bahay si Lariba at pinagsasabihan raw ito ng ama na itigil na ang bisyo dahil mayroon na itong pamilya.

Naghain na ng reklamo ang may-ari ng bodega, at nanawagan sila kay Lariba na magpakita at isauli ang tinangay nitong pera.