Advertisers

Advertisers

Tracy trip humingi ng tips kay Rabiya sa pag-aartista

0 157

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

KUNG dati ay youngest CEO sa Pilipinas si Andrea Brillantes, ngayon ay si Iya Tapulgo Galo na ang pinakabatang businesswoman sa bansa.
Si Iya ang bagong CEO ng Beauty Wise na disiotso anyos pa lamang ay siya na ang magpapatakbo ng negosyo ng kanilang pamilya.
Si Iya rin ang pumili kay Miss World 2021 Tracy Maureen Perez upang maging celebrity endorser ng Beauty Wise.
Sa launch ni Tracy sa Beauty Wise ay ibinahagi nito na nais niyang maging artista.
Handa naman na raw siya dahil sumailalim na siya sa mga workshop at acting stints sa pamamagitan ng manager niyang si Arnold Vegafria ng ALV Talent Circuit, Inc.
Sa tanong kung sino ang nais niyang maging leading men kung mabibigyan ng pagkakataon, choices ni Tracy sina John Lloyd Cruz at Jericho Rosales.
Samantala, wagi man sa Miss World Philippines noong 2021, matindi ang mga pinagdaanan ni Tracy sa naturang beauty pageant dahil dalawang beses siyang natumba sa stage!
Nahulog pa siya sa hagdanan na mabuti na lamang at mabilis siyang tinulungan ng pageant host na si Xian Lim.
Kaya hinding-hindi raw makakalimutan ni Tracy ang pagkapanalo niyang iyon.
“Na-test dun yung lahat-lahat. Character, perseverance, lahat.
“For me, yun nga. Inuulit-ulit ko when people asked me na it’s never easy. So, make sure that you’re prepared talaga, physically, emotionally, dapat healthy ka. Always be present.
“Kasi pag pagod ka na, hindi mo na nararamdaman masyado yun, e. So again, always be ready.
“And para naman sa akin, I was able to get a lot of help from the organization, from my team, from my camp. So, very thankful naman po ako. And they really helped me push through,” sinabi ni Tracy.
Kaibigan ni Tracy ang kapwa niya beauty queen na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na alagwa ang career ngayon sa GMA bilang Sparkle artist at host ng Tiktoclock.
Kaya naman nais ni Tracy na makausap si Rabiya para makahingi dito ng tips.
“I’m sure she’s also very busy. She has taping every single day. So, I don’t really wanna add to her plate.
“But hopefully, we do have time to catch up. I would really like to get some tips from her. She’s a friend and she’s nice,” sinabi pa ng morenang si Tracy na perfect endorser ng Beauty Wise.
***
MASAYANG-masaya si Sparkle male star Carlo San Juan dahil may pelikula na siya!
Una niyang movie ang Lola Magdalena na dinirek ni Joel Lamangan.
Hindi pa alam ni Carlo kung may mga eksena siya na naka-trunks lamang bilang isang bikini open contestant ang papel niya sa pelikula.
Pero kung sakali ay papayag naman siya bilang nakapag-trunks naman na siya noong contestant siya sa Ginoong San Pedro a few years ago.
Unang beses din na gaganap ni Carlo na may dyowang matanda na gagampanan ni Pia Moran bilang si Lunigning.
Daks ang pangalan ng karakter ni Carlo at alam niya na ang ibig sabihin ng “daks” ay malaki at kalimitang gamit ang “daks” para ilarawan ang malaking pagkalalaki.
“Malaki” ba si Carlo?
“Malaki… ang pagmamahal ko sa trabaho ko,” tumatawang sagot ng binata.
“Sobrang malaki ang pagmamahal ko.”
Ano ang reaksyon niya nang malaman niya na Daks ang pangalan ng karakter niya.
“Siyempre natuwa. Siyempre natawa. Natuwa at natawa! “Kasi siyempre, Daks. Ah, pag ngayon, sinasabi ang Daks, alam naman natin kung ano yung nire-refer,” pahayag ng binata.
“So, parang noong una kong narinig ang Daks, parang yung mga pumasok sa isip ko, ‘Ah parang ano ‘to e, parang may pagka-bargas yung personality.
“Tapos talagang… alam mo yung mahangin na parang ganun, pero sinamahan niya ng parang mga lola, na meron pa akong karelasyon na lola.
“So, parang dun ako napaisip and siyempre, doon pumasok sa akin yung parang… ah, hindi ito yung basta-bastang Daks, na parang luku-luko lang, or parang normal na callboy lang.
“So, parang bago ito sa akin, tapos merong ka-partner na isang matanda, so talagang very excited ako.”
Bida sa pelikula si Gloria Diaz na gaganap na faith healer sa umaga at pokpok sa gabi.
Nasa cast din ng movie sina Perla Bautista, Liza Lorena, Pia Moran, Sunshine Cruz, Angel Guardian, Jim Pebanco, Marcus Madrigal, Harlene Bautista, Dorothy Gilmore, Angela Cortez, Myrna Castillo, at Joonee Gamboa at ang producer ng pelikula ay si Amelia OJA Zuniga ng Hiro Hito Film Production.