Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA post ng latest vlog sa YouTube channel ni Bea Alonzo ay ipinagtapat nito ang kondisyon ng kanyang kalusugan.
Kaya ito umamin at lumantad ay dahil may nanunuya sa kanyang body.
May nakapansin kasing netizen na tila nagbago ang figure or size ng aktres.
May komento pa nga na nanaba ito na siya ring problema ngayon nina Angel Locsin at KC Concepción.
Kaya sa vlog ni Bea ay inamin nito na na-diagnosed ang aktres ng mga kondisyon na tulad ng Thyroidism at PCOS Polycystic Ovary Syndrome or irregular period.
Ito nga raw ang dahilan ng patuloy na pagtaba ni Bea.
Nag-sorry pa nga ito sa kanyang mga tagahanga sa patuloy na pagtaba.
***
Vic Sotto at Joey De Leon gusto ring marinig ng
Dabarkads
MATAPOS nga na magsalita ni Tito Sotto para kontrahin ang mga sinabi ni Mayor Bullet Jalosjos, nagkaroon ng linaw ang lahat nang magsalita si Tito.
Kahit nga ang dalawa pang main host ng Eat Bulaga ay gusto na rin magsalita ayon sa programa ni Cristy Fermin after nito makapanayam si Tito.
At for sure ay sasang-ayunan nina Vic at Joey ang kinuda ni Tito sa kanyang panayam.
May sitsit ngang nag-43 years anniversary ang Eat Bulaga ay wala ni isa man sa Jalosjos na umapir.
Tila nabitin ang Dabarkads sa mga pahayag ni Tito at alam nila na mas marami pang sasabihin sina Vic at Joey pero may pumipigil nga raw sa dalawa.
As usual, iisa lang ang wish ng Dabarkads, matuldukan na ang isyu sa Eat Bulaga para happy together na sila.
Well, well, well… ‘Yun na!