Advertisers

Advertisers

Bawal lang sa mga ine-endorse…Alden pangarap gumanap na kalbo sa proyekto

0 140

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

AYAW pa ring tantanan ni Pokwang ang dati niyang live-in partner na si Lee O’Brian sa pagpapatutsada. Galit na galit pa rin talaga siya sa dating minamahal.
Sa Instagram post niya, nag-upload si Pokwang ng isang short video na kuha sa labas ng GMA Studios.
“Strike a pose [heart emoji” caption ni Pokwang dito.
Isang netizen naman ang nagpaabot ng kanyang paghanga sa komedyante.
Kahit hindi raw siya single mom, hanga pa rin siya sa katapangan ng komedyana.
Sabi ng netizen, “Nice Ms. Pokee!! Yan ba Ang iyong signature ‘Pokee walk?’ Pak! Pak! Pak! [fire, clapping hands emojis]
“I admire you po for your strength as a single mom. I’m not a single mom, Pero saludo po ako sa katapangan mo. God bless you po. [praying hands emojis]”
Sagot ni Pokwang, ang mga Pilipino raw ay hindi nagpapatalo lalo na sa mga dayo lamang sa bansa.
Sabi niya, “Pilipina tayo at bansa natin to wag magpapatalo sa dayo. hahahhahaha”
Obvious naman na si Lee ang pinapatamaan ni Pokwang, di ba?
Sagot ng netizen, “@itspokwang27 I agree po. Lalo na if yung dayo eh hindi maganda ang pagtrato sa atin. Di ba po?? Hahaha!!”
Pagsang-ayon naman ni Pokwang, “tamaaaaaa [clapping hands emojis]”
***
PANGARAP pala ni Alden Richards na gumanap na kalbo sa pelikula o teleserye. Kaya lang hindi niya yun magagawa dahil sa kanyang mga endorsements.
Sabi ni Alden,”Gusto ko po talaga ang dami lang restrictions gawa po ng siyempre mga brands natin na inaalagaan natin. Siyempre pag nabigyan naman ng clearance, why not? Kasi dream ko rin talaga ‘yung magpakalbo pero hindi pa puwede ngayon,” esplika ni Alden.
Oo nga naman sayang ang kikitain ni Alden kung magpapakalbo siya.Wala nang kukuha sa kanya bilang product endorser, di ba?