Advertisers

Advertisers

Alden palaisipan kung sino ang nagpapabagsak

0 209

Advertisers

Ni FAVATINNI SAN

MAY pelikulang gagawin si Alden Richards na si Julia Montes Ang leading lady. May TV project pa si Alden na siya ang host.
E, ano ang inirereklamo ng kampo ni Alden? May natulungan daw siya na sila ang nagbabagsak sa pagkatao ng aktor. Susme, ngayon pa ba sila natakot na secured financially at di pinababayaan ng GMA7 si Alden.
Nakalinya pa ang isang movie project na kukunan abroad. Naging palaisipan tuloy kung sino ang nanira sa aktor.
Sure, ano mang kaguluhan sa Eat Bulaga, marami man ang mawala, si Alden ay mare-retain as co-host. Teka, di kaya si Alden ang tinutumbok sa isang blind item na tungkol sa pag-ibig?
Lalo na’t nagsalita sina Julie Anne San Jose at Winwyn Marquez na di sila niligawan ng aktor.
Oppps, kailangan bang mabagabag ang mga taong may hawak sa karera ni Alden? Well, it remains to be seen.
***
SEN. BATO AT SEAN AL, TRENDING
KUNG napanood ninyo ang video ni Sen. Bato dela Rosa na “ang…” marami ang nag-enjoy sa panonood.
Maraming bashers at malayo pa ang 2025 election para mag-seek ng reelection. Sa ngayon, lampas na sa sampung milyong viewers ito. Si SEAN AL ang may gawa ng memes ni Sen.Bato. Pero nakatanggap si Sean ng mensahe mula Kay Cedie dela Rosa, head ng media team ni Sen. Bato. Eto ang sabi niya.
“The good senator would like to thank you Sean AL to Sen.Bato “ang..Ang video” thank you again from senator Bato and all of us, more power and may GOD bless you.”
Siya Sean ay magaling na composer, musical arranger at isang performer. Natutuwa si Aqua Rider dahil si Sean ang gumawa ng musical scoring ng “Saan Ka Punta?”, prodyus ng Read Tiger Multi-Media Productions.
Malapit na natin mapanood ang nasabing pelikula.