Advertisers

Advertisers

Bong Go sa DPWH: Mga proyekto tapusin bago matapos ang termino ni PRRD

0 292

Advertisers

SINUPORTAHAN ni Senador Christopher “Bong” Go ang panukalang 2021 budget ng Department of Public Works and Highways kasabay ng apela sa ahensiya na tiyaking matatapos ang lahat ng priority infrastructure projects nito bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa public hearing ng Senate committee on finance, sinabi ni Go na hindi tumigil ang DPWH sa kanilang pagtatrabaho sa kabila ng pananalasa ng COVID-19 pandemic. Pinasalamatan niya ang DPWH sa pagsasaayos ng ilang public facilities upang maging isolation sites at tent cities na naging tuluyan ng Persons Under Investigation at Persons Under Monitoring para hindi kumalat ang COVID-19 virus.
Sa kabila ng pandemya, nanawagan si Go kay DPWH Secretary Mark Villar na ang mga target na proyekto ay matatapos bago magwakas ang termino ng administrasyong Duterte.
“Pakiusap ko lang po, Secretary Mark at sa lahat po ng Undersecretaries, Assistant Secretaries, Regional Directors down, pakiusap ko lang po, huwag tayong mag-iwan ng nakatiwangwang na proyekto bago matapos ‘yung termino ni Pangulong Duterte,” iginiit ni Go.
Sinabi ni Go na dapat doblehin ng DPWH ang kanilang efforts upang matapos ang infrastructure programs ng gobyernong Duterte.