Advertisers

Advertisers

P345-B lump sum sa 2021 budget ng DPWH buking ng mga senador

0 234

Advertisers

BINUSISI ng mga mambabatas sa Senado ang pagkakaroon ng P345 billion lump sum sa ilalim ng panukalang budget ng Department of Works and Highway (DPWH) para sa taong 2021 sa isinagawang budget hearing nitong Huwebes, Oktubre 15.
Ayon kay Sen. Franklin Drilon, ito umano ang kauna-unahang beses na nakakita siya ng ganito kalaking halaga ng lump sum para sa isang ahensya.
Ang ganitong halaga aniya ng budget ay malinaw umano na paglabag sa ipinatutupad na policy of transparency ng Senado.
Una nang ginisa ni Sen. Panfilo Lacson ang P396 billion sa budget ng DPWH central office.
Sinagot naman ni DPWH Sec. Mark Villar ang bawat tanong na ibinabato sa kaniya ni Drilon. Aniya, hindi nakakalimot ang ahensya na magpadala ng attachment sa Nationa Expenditure Program (NEP), na pinadadala naman sa Kongreso ng Department of Budget and Management (DBM), kung saan naka-itemize ang paglalagayan ng naturang halaga.
Subalit kinuwestyon ulit ito ni Drilon. Wala naman daw kasi siyang naaalala na may sangkaterbang dokumento na ipinadala at sinubukang ipasa alinsunod sa Saligang Batas kaugnay sa pagkakaroon ng NEP.
Samantala, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabi na talamak pa rin ang korupsyon sa DPWH sa kanyang public address nitong Miyerkules ng gabi, Oktubre 14, matapos ang meeting sa Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF).