Advertisers

Advertisers

PBBM INANYAYAHANG MAG-STATE VISIT SA LAOS

0 101

Advertisers

NAKAPULONG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Laos Prime Minister Sonexay Siphandone ASEAN Summit sa Indonesia.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sa isang bilateral meeting ay napag-usapan nina Pang. Marcos at Siphandone ang pagtutulungan ng Pilipinas at Laos sa larangan ng turismo, kalusugan, edukasyon, kalakalan, at trade and people-to-people exchange agreements.

Inanyayahan din ni PM Siphandone si Pangulong Marcos na magkaroon ng isang state visit sa Lao DPR mula sa imbistasyon ni Laos President Thongloun Sisoulith.



“I would like to extend an invitation from His Excellency Thongloun Sisoulith, President of the Laos PDR, to Your Excellency to make a state visit at a time of convenience for you,” sabi ni Siphandone kay Marcos.

Sa kabilang banda, inimbitahan din ni PBBM ang Prime Minister at maging si Sisoulith na bumisita sa Pilipinas.

Ipagdiriwang naman ng dalawang bansa ang kanilang ika-70 na taon ng diplomatikong relasyon sa taong 2025. (GILBERT PERDEZ)