Advertisers

Advertisers

Sa mga Brgy. Kagawad na ‘di dumadalo sa drug inventory: QC police nagpapasaklolo sa DILG

0 340

Advertisers

NAIS magpasaklolo ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil umano sa hindi pagdalo ng ilang kagawad ng Brgy. Pasong Tamo, QC sa tuwing may drug inventory ng illegal drugs kapag may huling drug suspek ang mga pulis sa nasabing barangay.

Nabatid sa ilan tauhan ng Quezon City Police na tumangging magpabanggit ng kanilang pangalan nahihirapan umano silang magpatawag ng mga kagawad sa Brgy. Pasong Tamo sa tuwing may drug operation ang mga pulis para mag-witness ang mga ito (Kagawad) sa drug inventory sa mga nahuhuling drug suspek sa naturang barangay.

Ayon pa sa mga operatiba ng QC police na minsan na umano silang na-dismisan ng kasong isinampa sa Quezon City court matapos umanong walang lumutang na barangay kagawad sa Brgy. Pasong Tamo,QC sa kanilang isinagawang drug operation (drug inventory) noong may nahuli silang drug suspek.

“Ang hirap magpatawag ng barangay kagawad dyan sa Brgy. Pasong Tamo dahil minsan aabutin kayo ng umaga sa area (on site investory) dahil sa tagal dumating ng kagawad minsan hindi talaga dumadating ang kagawad,“ ayon pa sa isang QC police na tumangging magpabanggit ng kanyang pangalan.

Ayon pa sa mga tauhan ng QC police halos hindi rin umano nakikipag-cooperate ang mga barangay kagawad ng Brgy. Pasong Tamo kapag may isinasagawang drug operation ang mga tauhan ng QC police dahil kahit umano tawagan ang mga ito upang lumutang sa drug inventory ng nahuling drug suspek ay hindi rin umano sumasagot ang mga ito sa tawag sa kanilang mga cellphone at telepono.

Ganito rin ang sentimyento ng ilang Barangay Public Safety Officer (BPSO) o Barangay Tanod ng Brgy. Pasong Tamo, QC na tumangging magpabanggit ng kanilang pangalan dahil sa hindi pakikipag-tulungan umano ng kanilang mga barangay official (Kagawad) kapag may huling drug suspek sa kanilang barangay.

“Minsan kahit naka duty yung barangay kagawad sa araw ng kanyang duty assignment eh hindi talaga dadalo sa drug inventory kahit ilang beses naming sila tawagan” ayon pa sa BPSO na tumangging magpabanggit ng kanyang pangalan.

Sinabi pa ng naturang BPSO na obligasyon ng isang barangay elected official na dumalo sa drug inventory kapag may huli ang mga pulis sa drug operation dagdag pa ng naturang BPSO.

Samantala sinikap naman ng sumulat na makuha ang panig ng mga kagawad ng Brgy. Pasong Tamo subali’t nabigo na makuha ang panig ng mga naturang barangay official. (Boy Celario)