Advertisers

Advertisers

Casimero patutulugin si Nghitumbwa

0 136

Advertisers

OPTIMISTIKO ang dating world boxing champion John Riel Casimero na patutulugin nya sa boxing ring ang WBO Global super bantamweight champion Fillipus Nghitumbwa.

Gaganapin ang laban ng dalawa sa araw ng Sabado sa isang hotel resort sa lungsod ng Paranaque.

Huling lumaban si Casimero sa Pilipinas ay noon pang 2019 ng talunin si Cesar Ramirez sa loob ng ika-10 round.



Noong Disyembre 2022 ang huling laban ni Casimero ng talunin si Ryo Akaho sa ikalawang round lamang.

Ang Namibian boxer na si Nghitumbwa, ay may pinagmamalaking record na 12 panalo isang talo na mayroong 11 knockouts habang ang 34-anyos na si Casimero ay mayroong 32 panalo apat na talo na mayroong 22 knockouts.