Advertisers

Advertisers

Bebot kinatok sa bahay at pinatay

0 142

Advertisers

Palaisipan pa sa pulisya ang motibo at utak ng pagpaslang sa isang babaeng kinatok muna sa bahay at saka pinaputukan ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa bayan ng Antipas, North Cotobato noong Miyerkoles.

Kinilala ang biktimang si Maryfel Sumpreque Gargolez, 35 anyos at taga-Purok 3-B Barangay Poblacion ng nasabing bayan.

Sa ulat, huminto ang motor na sinasakyan ng mga salarin sa tapat ng bahay ng biktima 6:00 ng gabi.



Kumatok umano ang isa sa mga salarin at hinanap ang babae.

Nang lumabas ang biktima, walang salitang pinutukan ito ng gunman at saka tumakas ang mga ito.