Advertisers

Advertisers

Pekeng NBI agent, abogado inaresto

0 116

Advertisers

ARESTADO ang isang senior citizen na lalaki na nagpakilalang isang abogado at ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) nang sitahin habang nagtipon-tipon sa loob ng isang subdibisyon sa Dasmarinas City, Cavite, Linggo ng umaga.

Kasong paglabag sa ‘Usurpation of Authority’ ang kinakaharap ni Gineral Ford Sam Hermogenes Jr, 65, binata, ng Acacia St., Brgy Bulihan, Silang, Cavite.

Nauna dito, nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa Brgy Chairman ng Salitran 3 hinggil sa grupo na nagtitipon sa Molino Homes 2 Subd. 10:30 ng umaga na ikinabahala ng homeowners.



Sa pagresponde ng pulisya, isang lalaki ang kumausap sa kanila na nagpakilalang isang abogado at ahente ng NBI at nagpakita ng isang NBI ID na pirmado ni HA Danielito Lalusis, Chief IPRD. Wala ring dokumento na maipakita ang suspek na isa itong abogado.

Dahil dito, nagduda ang pulisya kaya inalam ito sa NBI at nalaman na peke ang nasabing ID gayundin ang pagiging abogado nito, dahilan upang arestuhin.