Advertisers

Advertisers

Nat’l Tourism Development Plan, bagong slogan oks kay PBBM

0 111

Advertisers

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang National Tourism Development Plan (NTDP) para sa 2023-2028.

Ito ang inanunsiyo ni Department of Tourism Sec. Christina Frasco sa isang press briefing kahapon sa Malakanyang.

Ayon kay Frasco, ang NTDP ay nabuo matapos ang pakikipag-usap at konsultasyon ng tourism coordinating council sa iba’t ibang tourism stakeholders sa mga rehiyon sa buong bansa.



Sinabi ng kalihim na ang NTDP na ito ay magsisilbing blueprint at development framework para sa industriya ng turismo sa loob ng termino ni Pangulong Marcos.

Nakapaloob aniya sa development plan ang pitong layunin sa pagtugon sa mga isyu sa pagpapaunlad ng turismo tulad ng infrastructure, connectivity, digitalization, equalization, promotion, pagpapaganda ng kabuuang tourism experience at pagpapalakas ng pamamahala rito.

Samantala, kinumpirma naman ni Frasco na magkakaroon ng panibagong slogan ang kanilang tanggapan na ilalabas nila sa mga susunod na linggo. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">