Advertisers

Advertisers

Pulis na ‘hitman’ ni Teves timbog

0 153

Advertisers

NADAKIP ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang aktibong pulis na umano’y “hitman” ng mga Teves sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Kinilala ang naaresto na si PSSg Noel Santa Ana Alabata, Jr. alyas “Alfonso Edena Tan”, nakatalaga sa PNP-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa Camp Crame, Quezon City.

Ayon kay CDIG Director, Brigadier General Romeo Caramat, 8:50 ng umaga nang arestuhin ng mga operatiba ng CIDG-DSOU at Negros Oriental Provincial Field Unit si Alabata sa tapat ng PNP-DEG building sa Camp Crame.



Inaresto si Alabata sa bisa ng 2 warrant of arrests sa kasong ‘Attempted Murder’ mula kay Judge Glenda J. Yee-Uymatiao, ng 7th Judicial Region, RTC Branch 35, Dumaguete City; at ‘Attempted Homicide’ mula kay Judge Dinah Bagares Tabada-Chu ng 7th Judicial Region, MTCC Branch 1, Dumaguete City.

May piyansang P120,000 sa kasong attempted murder at P36,000 sa attempted homicide.



Sinabi ni Caramat na dating nakatalaga si Alabata sa PDEG R6 pero nagtatrabaho sa mga Teves. Ito umano ang bumaril sa isang “Ong” na kalaban ng mga Teves sa negosyo.

“Patuloy ang pag-verify namin sa akusado na itinuturong gunman ng mga Teves upang malaman kung meron pa itong mga kinasasangkutan na kaso. Magiging patas kami sa lahat ng aming makukuhang impormasyon at sisiguraduhin na mananagot siya sa ating batas,” ani Caramat. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">