Advertisers

Advertisers

PBBM pirmado na ang batas na nagbibigay ng 2-year tour of duty sa matataas na opisyal ng militar

0 107

Advertisers

NILAGDAAN na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isang batas na naglalayong palakasin pa ang propesyonalismo ng Armed Forces of the Philippines, kabilang na ang pag-aamyenda sa probinsyon sa tour of duty at appointment ng mga pangunahing military officials sa bansa.

Ito ay matapos na pirmahan ng Pangulo ang Republic Act No. 11939 o ang Act Further Strengthening Professionalism and Promoting the Continuity of Policies and Modernization Initiatives in the Armed Forces of the Philippines, na sumususog sa Republic Act No. 11709 na nilagdaan naman ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng bagong batas, ang mga opisyal na humahawak ng mahahalagang posisyon sa AFP ay dapat magkaroon ng maximum tour of duty ng dalawang magkasunod na taon, na magsisimula sa petsa ng pagpirma ng appointment, maliban kung mas maagang wakasan ng Pangulo.



Kabilang dito ay ang Commanding General ng Philippine Army, at Philippine Air Force; Flag Officer in Command, Philippine Navy; at Superintendente, Philippine Military Academy.

Ang mga opisyal na ito ay hindi magiging karapat-dapat para sa anumang posisyon sa AFP maliban kung na-promote sa posisyon ng Chief of Staff.

Sa batas na nilagdaan ni Duterte, ang mga hepe ng Army, Navy, at Air Force ay binigyan ng nakapirming tatlong taong termino habang ang PMA superintendent ay binigyan ng tour of duty ng apat na taon. (Vanz Fernandez)