Advertisers

Advertisers

HALOS 92-M BOTANTE SA BSKE – COMELEC

0 121

Advertisers

NAKAPAGTALA na ang Commission on Elections (Comelec) ng halos 92 milyong rehistradong botante para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon sa COMELEC, ang eksaktong bilang ng rehistradong botante ay 91,912,429, na naitala sa 201,799 clustered precincts at 37,524 voting centers.

Sa bilang na ito, 68,468,339 botante ang nakarehistro para sa barangay elections at 23,444,090 para sa Sangguniang Kabataan.



Isinagawa ng Comelec ang kanilang voter registration mula Disyembre 12, 2022, hanggang Enero 31, 2023.

Nakapagtala ang komisyon ng kabuuang 1,476,551 bagong rehistradong mga botante.

Sa kabilang banda, natapos na nito ang pag-iimprenta ng mga balota para sa 15 sa 17 rehiyon sa bansa.