Advertisers

Advertisers

TEVES INALMAHAN ANG ‘INTERCEPT ORDER’ NG IMMIGRATION!

0 140

Advertisers

INALMAHAN ni suspended Negros Oriental Representative Arnolfo Teves, Jr. ang umano’y order ng Bureau of Immigration (BI) na harangin siya kapag dumating sa bansa.

Isiniwalat ito ni Teves sa isang video na kaniyang ipinost sa facebook nitong Biyernes. “Ito na lumabas na. Ito pala ang totoong rason kung bakit nila ako gustong umuwi. May order ngayon na pag ako ay dumating ako ay i-intercept,” sabi ni Teves.

Ayon kay Teves, inilabas ang order bago pa man siya masampahan ng kaso.



“Ito ay halatang political persecution at pang-aabuso ng aking karapatang pantao,” sabi pa ni Teves.
Iginiit ng kongresista na inosente pa siya sa mata ng batas hanggang hindi napapatunayan ang mga alegasyon laban sa kaniya.

“Palagay na natin for the benefit of the doubt may kaso ako, still I am innocent until proven guilty.



Hindi ako dapat i-intercept, hindi ako dapat hulihin at hindi ako dapat ikulong,” dagdag pa ng solon.

“Ngayon bakit sila may order na ganito? Pabalik-balik ko ‘tong itatanong, dito natin makikita ang pag-aabuso nila sa akin at mas malala pa dito, meron silang masamang balak sa aking pagkatao at sa aking buhay,” giit nito. “Ngayon alam nyo na kung bakit ayokong umuwi.”



Samantala, nagpaliwanag ang BI sa social media post ni Teves, na nababahala ito sa instruction ng BI sa mga tauhan nito sakaling dumating ang mambabatas.

Ayon sa BI, ang kanilang instruction sa kanilang mga tauhan ay bahagi ng kanilang protocols sa pag-monitor sa mga indibidwal na may high profile cases.

Kabilang sa protocol ang pakikipag-ugnayan sa local law enforcement agencies hinggil sa pagpapatupad ng immigration procedures.

Nilinaw rin ng BI na hiniling mismo sa kanila ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-ASG) na bilisan ang pagproseso kay Teves sa arrival nito.

Bahagi rin, anila, ito ng kanilang pagprotekta sa karapatan ng indibidwal.