Advertisers

Advertisers

Fastcraft, cargo vessel nagsalpukan sa Cebu: 28 sugatan

0 145

Advertisers

NAGBANGGAAN ang dalawang sasakyang-dagat kungsaan 28 pasahero ang nagtamo ng minor injuries.

Ayon kay LTJG Abigail Laturnas, acting Assistant Public Affairs Officer, Naval Forces Central, 2:53 ng hapon nang maganap ang aksidente sa pagitan ng fastcraft na Supercat commercial vessel St Jhudiel at cargo vessel LCT Posoidon 23 Mactan Channel sa vicinity ng Fist Cebu-Mactan Bridge, Mactan, Cebu.

Umalis ng Ormoc City Leyte ang MV St. Jhudiel sakay ang 197 pasahero patungong Cebu City.

Habang naglalayag, nakaranas ito ng steering casualty at engine trouble na nagdulot ng banggaan nila ng LCT Poseidon 23 na patungo naman ng Mandaue City mula Ormoc City.

Sakay ng LCT Poseidon ang 17 rolling cargoes at 20 pasahero .

Dahil sa insidente, napilitan bumalik sa port of origin nito sa Ouano Wharf Mandaue City upang masuri ang pinsala bunsod ng aksidente.

Agad namang nag-deploy ng floating assets at land vehicle ang PCG at ambulansya para magbigay ng kaukulang tulong.

Tumulong din ang team ng Coast Guard Special Operations Group-Central Visayas at divers para sa search and rescue operations.

Bukod dito, ang Coast Guard Marine Environmental Protection Force-Central Visayas ay ipinadala rin upang magsagawa ng oil spill assessment. (Jocelyn Domenden/Mark Obleada)