Advertisers
LIMA ang nasawi at 5 ang sugatan sa salpukan ng motorsiklo at traysikel na puno ng pasahero sa national highway ng Brooke’s Point, Palawan, Sabado ng gabi.
Naganap ang aksidente sa Barangay Malis, 7:50 ng gabi, na kinasangkutan ng isang motorsiklo na minamaneho ni Gabriel Suay, 19; back rider niyang si Jenny Boy Marcos, 20; at isang top-down tricycle.
Sakay sa tricycle ang driver na si Nelio Ame, 23; at mga pasaherong sina Louie Jay Abis, 22; Zera Adonis, 18; Venny Dubria, 28; Rey Jeven Longgageng, 19; Dorothy Joy Vidal; at dalawa pang menor-de-edad na 16 at 17-anyos, pawang residente ng Brooke’s Point.
Sinabi ng mga imbestigador ng Brooke’s Point Police na sina Suay at Marcos ay mula sa Barangay Samariñana at patungo ng Barangay Malis, habang ang tricycle ay papunta sa Poblacion.
Pagdating sa Barangay Malis, biglang napunta ang motorsiklo sa kabilang linya na humantong sa pagsalpok sa traysikel.