Advertisers

Advertisers

HISTORIC POST OFFICE SA MAYNILA KINAIN NG APOY!

0 171

Advertisers

TINATAYANG aabot sa P300 milyon ang halaga ng natupok ng apoy sa makasaysayang gusali ng Manila Central Post Office sa Liwasang Bonifacio, Magallanes Drive, Ermita, Maynila, Lunes ng umaga.

Sa report ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region, nilamon ng apoy ang apat na palapag ng gusali na nagsimula sa general services section sa basement.

Nagsimula ang sunog pasado 11:00 ng gabi ng Linggo at itinaas ito sa general alarm.



Ayon sa BFP, pito sa kanilang mga bumbero at volunteer ang sugatan habang inaapula ang mala-impyernong sunog.

Kinumpirma naman ni BFP-NCR Chief, Supt. Nahum Tarroza, na 100% nilamon ng amoy ang gusali na isang heritage building.

Sinabi ni Tarroza na nahirapan ang mga bumbero na pasukin ang gusali dahil nagsimula ang sunog sa basement na masyadong delikado.

Bukod dito, nauubosan din ng tubig ang tangke ng mga fire truck kaya ang iba kumuha pa ng tubig sa Pasig River at maging ang tubig sa fountain ng Liwasang Bonifacio ginamit narin ng mga bumbero.

Aniya, mabilis na lumaki ang sunog dahil sa mga papel sa loob ng post office bukod pa sa gawa sa kahoy ang sahig ng ikatlong palapag ng gusali, na gawa noong panahon pa ng mga Amerikano.



Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

Ang naturang gusali ay plinano noon na gawing pribado para gawing hotel. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)