Advertisers

Advertisers

Promotion ng nasa 44K pulis aprub sa PNP

0 136

Advertisers

Na-promote na ang kabuuang 43,909 police commissioned officers (PCOs) at police non-commissioned officers (PNCOs) sa buong bansa sa regular promition cycle na kumikilala sa kanilang kwalipikasyon, performance at merit, ayon kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. nitong Lunes, Mayo 22.



Sa pahayag, sinabi ni Acorda na personal niyang haharapin sa kanyang opisina ang nasa kabuuang 607 PCOs.

Ang mga PCO ay itatalaga sa PNP officer corps bilang line officers at technical service officers sa pamamagitan ng lateral entry, karamihan ay sa ranggo ng mga kwalipikadong NCOs at ilang sibilyan.

“By these human resource actions of promotion and lateral entry appointment, we are recognizing the good performance shown by these personnel and at the same time, professionalizing the service by appointing more responsible and qualified personnel and officers to crucial frontline service positions,” sinabi ni Acorda.

Binati naman niya ang lahat ng unit sa pagkakaroon ng mataas na tiwala ng publiko at satisfaction rating na 80% sa survey ng OCTA Research para sa unang bahagi ng taon.

“To guarantee this commitment, the PNP has an institutionalized disciplinary mechanism in place that administers a judicious system of reward and punishment that is quick in giving due recognition for good performance, yet swift and decisive in imposing stiff sanctions for misconduct and breach of discipline,” sinabi ni Acroda.

Sa mga operasyon ng PNP kontra illegal na droga, tiwala si Acorda na malapit nang maipanalo ng pamahalaan ang kampanya nito.

“Over the past four months from January 1 to May 19, 2023, a total of 23,395 drug personalities were rounded-up in 17,668 police operations against illegal drugs. Confiscated in these operations were a sizable quantity of illegal drugs estimated to be worth PHP5.76-billion,” ani Acroda.