Advertisers

Advertisers

Brgy. Capt. ng QC sinuspinde

0 373

Advertisers

Pinatawan ng 30 days suspension ng Quezon City Council ang Barangay Captain ng Brgy. Pasong Tamo na si Brgy. Capt. Mae Tagle sa kasong paglabag sa Grave Misconduct Abuse of Authority ang Gross Negligence.

Nabatid na sinuspinde si Tagle nang sampahan ng kaso ng complinant na si Marcelo Raguindiaz Fire Volunteer ng Brgy. Pasong Tamong, QC tanggalin umano ang 19 na fire volunteer ng barangay.

Ayon sa QC council na pinatawan ng 30 suspension ng Special Investigation Committee (SIC) ng city council si Tagle sa abuse of authority.



Nagsampa ang complaint na si Raguindiaz sa city council dahil sa abuse of authority na ginawa ng naturang kapitan nang tanggalin sila bilang fire volunteer ng barangay kasama ang 18 iba pang fire volunteer.

Nabatid sa ulat, na matapos tanggalin ang mga naturang fire volunteer nitong nakalipas na 2022 nagkaroon ng sunog sa Villa Corina Subd. Himlayan Road Pasong Tamo, QC.

Pito ang nasawi sa naturang sunog sa Pasong Tamo nang hindi kaagad nakaresponde ang mga naturang fire volunteer.

Ang tanggapan ng DILG ang magsisilbi ng suspension order sa naturang barangay captain. (Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">