Advertisers
NASAWI ang dalawang empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nang bumangga ang kanilang serbis sa isang truck sa bayan ng Tigbao, Zamboanga del Sur, Biyernes ng hapon.
Kinilala ni Executive Master Sgt. Phillip Basaya Jr. ng Tigbao Municipal Police Station ang mga nasawi na sina Christopher Butak, 32 anyos, ng Dumalinao; at Alfonso Apable, 51, ng Pagadian City.
Bumibiyahe ang pickup na minamaneho ni Reymart Medalla mula bayan ng Kumalarang patungo sa Pagadian City sa kasagsagan ng malakas na ulan nang pagsapit sa Barangay Begong ng Tigbao ay nag-overtake ito sa isang motor cab sa pataas na bahagi ng national highway subalit nawalan ng kontrol sa sasakyan sa gitna ng madulas na daan, dahilan para kumanan ito at tumama sa nakatigil na dump truck.