Advertisers

Advertisers

‘Regional Specialty Centers Act’… BONG GO BILL, PASADO SA SENADO

0 160

Advertisers

NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Senator Christopher “Bong” Go sa kanyang mga kapwa mambabatas dahil ang kanyang panukalang Senate Bill No. 2212, na kilala rin bilang Regional Specialty Centers Act, ay pumasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado.

Sa isang manipestasyon noong Lunes, bilang sponsor ng panukala, binigyang-diin ni Go ang napakahalagang papel ng mamamayang Pilipino sa paghubog ng mga pampublikong patakaran lalo sa sistema ng pangangalagang pangkalusugan sa pagsasabing “It is your experiences and stories that have driven us to create a healthcare system that is compassionate, accessible, and designed to meet the needs of every Filipino.”

“Today, your voices have been heard. Let us continue to work hand in hand, united in our commitment for the well-being of our community.”



“Ito pong regional specialty centers ay isang paraan para mailapit natin ang serbisyo medikal sa ating mga kababayan lalung-lalo na po yung mga mahihirap,” dagdag niya.

Ang panukalang batas ay nag-aatas sa Department of Health na magtatag ng mga specialty center sa mga ospital ng DOH sa bawat rehiyon sa loob ng limang taon. Magkakaroon dito ng mga dalubhasa at mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan.

Umaakma ang panukala sa Philippine Development Plan 2023 hanggang 2028 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kinabibilangan ng pagtatatag ng mga specialty center bilang bahagi ng health-related legislative agenda.

Partikular na diin dito ay ang pagtatatag ng heart, lung, at kidney centers na kagaya ng kapabilidad ng National Specialty Centers sa Metro Manila.

Upang matiyak na magiging epektibo ang mga specialty center, makikipagtulungan ang DOH sa National Specialty Centers para mabigyan ang mga ito ng dalubhasang tauhan, espesyal na pagsasanay, at mga kinakailangang gamit.



Binabalangkas din ng panukalang batas ang awtorisasyon para sa mga specialty center na makipagkontrata sa mga medikal na espesyalista at eksperto para magbigay ng pagsasanay at teknikal na tulong.

Kung magiging batas, ang DOH ay kailangang maglaan ng capital outlay investments sa pamamagitan ng Health Facilities Enhancement Program at makipagtulungan sa Department of Budget and Managementnang sa pagbuo ng mga pattern at pamantayan sa pagkuha ng staff para sa mga specialty center, pagtiyak ng mga posisyon para sa healthcare worker na magsisilbi sa pasilidad na ito.

Sa kanyang talumpati, kinilala at pinasalamatan ni Go ang kanyang mga kasama sa Senado sa kanilang walang patid na suporta at dedikadong pagsisikap upang maisakatuparan ang panukalang batas.

“This measure is a steadfast commitment, and a collective vision to improve our healthcare system. It demonstrates our dedication to delivering efficient specialized health care to every Filipino,” sabi ni Go.

Ipinaabot din ng senador ang kanyang pasasalamat sa DOH sa kanilang suporta at pakikipagtulungan sa pagtiyak na maipapasa ang panukalang batas.

“Sana po magtulungan din po tayo na mapondohan ang mga specialty centers na ito, Mr. President, para masiguro natin na magiging maayos ang implementasyon nito,” anang senador.

Ang panukala ay iniakda rin ni Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate Majority Floor Leader Joel Villanueva, Senators Sonny Angara, JV Ejercito, Pia Cayetano, Jinggoy Estrada, Imee Marcos, Robin Padilla, Win Gatchalian, Francis Escudero, Ronald dela Rosa, Ramon Revilla Jr., Cynthia Villar at Loren Legarda. Ito ay co-authored din nina Senators Francis Tolentino, Raffy Tulfo at lahat ng iba pang miyembro ng Senado.