Advertisers

Advertisers

UNPAID SALARIES NG OFWs MABABAYARAN NA!

0 114

Advertisers

NAKATUTOK ang Department of Migrant Workers (DMW) sa unpaid claims ng OFWs na nagtrabaho sa KSA, pahayag ni DMW Secretary Susan Ople.

Ayon kay Ople, simula naupo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay regular na itong nakikipag-ugnayan sa Saudi upang makipag-negosasyon sa kinatawan ng nasabing bansa, para sa kabayaran ng unclaimed wages ng mga natenggang manggagawang Pilipino na unang nagtrabaho sa Saudi.

Sa katunayan, sabi ni Ople, dahil narin sa pagtutok ng Marcos Administration, nagawa ng pamahalaan na pabayaran ang utang na sahod, kungsaan posibleng sa susunod na buwan ay maaari nang makuha ng mga OFW ang kanilang unpaid salaries mula pa noong 2016.



Maliban sa kanilang unpaid salaries, inaayos din ng DMW ang posibleng pagbabayad ng danyos sa kanila o compensation sa hindi agarang pagbibigay sa kanilang sahod.

Pagtitiyak ni Ople, hindi titigil ang kasalukuyang administrasyon hanggang hindi mababayaran ang mga Pilipinong pinagkautangan ng kanilang mga dating employers sa Saudi.