Advertisers
Matindi ang utak sa likod ng iligal na online sabong sa probinsiya ng Pangasinan dahil sa kabila ng pagiging iligal nito ay malaya at patuloy na namamayagpag ang opisyong ito.
Bakit kamo, eh mismong mga lokal na pulitiko ng lugar ang nagsisilbing protektor.
Pati ang operasyon ng pulisya laban sa iligal na sugal (1602) ay pinakikialaman at pinanghihimasukan.
Ayon sa isang mataas na opisyal sa nasabing area ang nagpapatunay na inaarbor ng mga kupal na pulitikong ito ang kanilang mga huli sa operasyon kontra online sabong.
Worst, ang kapal pa umano ng face na isang alkalde na personal na arborin ang huli ng kapulisan sa online sabong.
Ang matindi pa, sinabihan pa umano ang mga pulis na magdahan-dahan sa kanilang panghuhuli laban sa online sabong.
Isa ang San Carlos City sa tumatangkilik sa online sabong.
Di lang natin matiyak kung si San Carlos City Mayor Joseres Serrano Resuello ang tinutukoy ng ating PNP source na umarbor umano ng kanilang huli sa online sabong.
Ewan ko lang kung kinukunsinti ni Pangasinan Governor Amado Espino III ang mga ganito kagarapal na diskarte? Sadya bang pakapalan na lang ng mukha dyan sa Pangasinan Gov. Espino?
Paging DILG Sec. Eduardo Año and PNP Chief Camilo Cascolan, baka naman puwede mga bossing na masilip nyo po ang isyung ito dyan sa Pangasinan.
Demoralisado po ang ating mga kapulisan sa nasabing lalawigan.
Kung di tayo nagkakamali sakop ng PNP Region 1 ang nasabing probinsiya.
Kung kailangang sibakin ang provincial director ng Pangasinan PNP ay gawin masugpo lang ang pamamayagpag na punyetang online sabong lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Di lang po online sabong Sec. Año at Gen. Cascolan ang sikat at namamayagpag na sugal dyan sa probinsiya ni Gov. Espino kundi ang pamosong jueteng ng jueteng king na si alyas Doce (12).
May impormasyon din po tayo na isang elected local official umano ng Pangasinan ang nasa likod ng online sabong.
Isa umanong certified sabungero ang pulitikong ito na nangunguna sa pagsusulong ng kultura ng pagsusugal sa kanyang mga kababayang Pangasinenses.
Kung kailangang pasukin ng CIDG o ng NBI ang Pangasinan para masawata ang operasyon ng online sabong pati na jueteng ay gawin na para matanggalan ng maskara ang mga pulitikong protektor ng mga iligal na sugal na ito.
Obvious naman na mula sa mga iligal na ito nagmumula ang kuwartang ipinamumudmod ng mga pulitikong ito para pambili ng boto tuwing eleksyon.
Hamon din itong malaki sa political will ni Governor Espino na sugpuin ang mga iligal na gawain sa kanyang probinsiya.
Yan ay kung di pa ganap na nilamon ng sistema ang gobernador.
May kasunod…Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com