Advertisers

Advertisers

Ang spokesman ng MMDA, bow!

0 253

Advertisers

KATAKOT-TAKOT na batikos at pang-iinsulto mula sa netizens sa social media ang inaabot ngayon ng mabyuting tagapagsalita ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na si Celine Pialago.

Ito’y matapos siyang magsalita laban sa bilanggong aktibista na si Reina Mae Nasino na naging kontrobersiyal ang pagbigay ng korte ng oras ng pagdalaw sa burol at libing ng 3-month old baby ng huli kamakailan.

“Hindi lahat ng inang nakakulong ay nakapunta sa libing ng kanyanga anak… Masyado ninyong ginagawang pangdrama serye sa hapon ang paghihinagpis niya. Tigilan ninyo,” ang salita ni Pialago laban sa mga nakikisimpatya kay Nasino.



Maging ang ilang mamamahayag ay hindi rin nagustuhan ang salitang ito ni Pialago para sa isang inang nagdadalamhati sa pagyao ng kanyang sanggol.

Kung bakit naman kasi pati ang problema sa hinagpis ng isang ina ay pinanghihimasukan pa nitong bunga-ngerang messenger ng MMDA. Ayan! tuloy… andami mong bashers. Sakit sa bangs nyan, Asec Pia. Hehehe…

Dahil nga sa ngitngit ng netizens kay Pialago, nahalukay pati ang pagbalimbing niya noong nakaraang eleksiyon, mula sa pagiging solid suporter ni Mar Roxas tungo kay Rody Duterte. Aray ko!

Anyway, talagang mahusay itong si Pialago, nadala lang siguro siya sa pagiging DDS. At ‘di pa naman kasi siya ina para maramdaman ang damdamin ng isang magulang kapag nawalan ng anak na wala sa kanyang piling.

Ingat ka nalang sa mga aktibista, Pia. Baka mabato ka ng kamatis kapag naispatan ka nila sa kalye. Hehehe…



***

Panay-panay na ang pa-interview ngayon sa radio at TV ni Sec. Karlo Nograles ah. Kakasa raw kasi itong Senador sa darating na eleksiyon. Gamit na gamit niya ngayon ang pagiging opisyal ng Inter-Agency Task Force covid 19. Hmmm…

Actually noong 2019 pa sana tumakbo itong si Nograles. Nag-give way lang siya kina “Bato” at Bong Go na kapwa naman nanalong senador, op kors dahil kay Pangulong Duterte.

Kapag nagkataon, dalawa na ang senador na taga-Davao sa 2022, kung kakasa nga at mananalo itong si Nograles. Ang isa pang Davaoeno na senador ay si Bong Go. Let’s see!!!

***

Illegal ang online sabong, sabi ng gobierno. Eh bakit ayaw itong salakayin, hulihin ng mga awtoridad?

Kung tutuusin mas madaling hulihin itong online sa-bong kesa jueteng at mga sugal lupa. Dahil ang opera-syon, betting nito ay sa Faceook lang. Yakang yaka silang bokyain ng NBI at CIDG kung talagang tatrabahuin. Mismo!

I-Google nyo lang ang online sabong at maglalabasan rito ang iba’t ibang websites ng mga ito. Tapos magrerehistro ka para maging member para sa iyong pagtaya at pagkubra via GCash, PayMaya at iba pang money tranfer apps. Huli agad ito kung tututuntunin ng mga awtoridad.

Isa sa may pinakamalawak na operasyon ng online sabong ay ang kay Atong Ang, ang kilalang gambling lord na laging nakadikit sa kahit sinong presidente. Magaling kasi “maglagay” itong si Atong. Galante ika nga.

Oo! Sigurado ako may “timbre” si Atong sa NBI, PNP at LGUs kungsaan mayroon siyang operasyon. Dahil kung wala siyang timbre, tiyak peperwisyuhin mga puwesto nya.