Advertisers

Advertisers

Good news… 174 barangay sa Maynila covid-free na!

0 218

Advertisers

NASA 174 na mula sa 896 barangays sa lungsod ng Maynila ang “COVID-19-free.”
Ito ang sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pag-update sa kampanya ng lokal na pamahalaan na bigyan ng “reward” ang mga barangay sa lungsod na walang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng dalawang buwan.
Nagsimula ang naturang kampanya September 1at magtatapos sa October 31, 2020.
Nauna nang sinabi ni Moreno na ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay magkakaloob ng P100,000 cash incentive sa barangay na magtatagumpay sa kampanyang “zero COVID-19 case.”
Aabot ang pondo rito sa P90 million.
Umaasa si Moreno na mapapanatili ng 174 barangays ang kanilang estado na COVID-19-free hanggang sa katapusan ng Oktubre o sa mga darating na buwan.
Sinabi ni Yorme na madagdagan pa sana ang mga barangay na walang mairerekord na bagong COVID-19.
Ang Manila LGU naman, aniya, ay patuloy sa pagsasagawa ng mass COVID-19 testing, gaya sa mga manggagawa at PUV drivers na sinasalang sa swab testing habang available parin ang drive-thru at walk-in serology COVID-19 testing. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)