Advertisers

Advertisers

Reporma sa pension system ng military at uniformed personnel malapit nang maisabatas – DND Sec.

0 147

Advertisers

NAGPAHAYAG nitong Huwebes ng pag-asa si Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na malapit nang maisabatas ng Kongreso ang isang panukalang batas sa reporma sa sistema ng pensiyon para sa militar at unipormadong tauhan (MUP).

Ayon kay Teodoro, ang unang marching order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. . ay ang magtatag agad ng bagong pension system para sa Armed Forces of Philippines.

Sabi pa niya na tinatrabaho na, kinokonsulta na at sana sa lalong madaling panahon ay mai-enact ng Kongreso at malalagdaan na ni Pangulong Marcos.



Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi pa ni Teodoro na sa ngayon ay pinag-aaralan na ang mga detalye ng military and uniform personnel pension reform.

Dagdag pa ng kalihim na may kumukwestyon kung magkano na mula sa mga financial sector.
Kasama sa iminungkahing reporma ng MUP pension ang pagtanggal ng automatic indexation sa pension at ang pagpataw ng mandatoryong kontribusyon sa mga tauhan ng militar.

Sa kasalukuyan, may dalawang panukalang batas sa MUP pension reform na naihain na sa Senado.

Noong Marso, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na “okay” si Marcos sa panukala na repormahin ang sistema ng pensiyon para sa MUP, dahil nagbabala siya na ang hindi pagtugon sa tumataas na halaga ng mga pensiyon para sa mga retirado ay maaaring humantong sa “fiscal collapse.”

Ngunit noong Mayo, sinabi ni Galvez na “very much concern” din si Marcos Jr. sa epekto ng panukalang bagong pension system sa moral ng mga sundalo at pulis. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">