Advertisers

Advertisers

Honest police nagsauli ng bag na may lamang P3m halaga ng mga alahas at pera

0 237

Advertisers

HINANGAAN ang katapatan ng isang pulis sa Asingan, Pangasinan nang magsauli ITO ng natagpuang bag na naglalaman ng may P3 milyong halaga ng mga alahas at pera nitong nakaraang buwan.
Ayon kay Police Corporal Marold Cabrera, 30, kumakain siya sa isang restaurant sa bayan ng Rosales noong Setyembre 18 nang mapansin ang naiwang bag sa upuan.
“Sinecure ko na lang. Then, hinintay ko muna ng ilang sandali, baka bumalik (yung may-ari). Pero, hindi na. Kaya binuksan ko yung bag. As protocol po naman, bilang pulis, na kailangan po namin i-check… Tumambad sa akin yung dalawang bundle na cash, P200,000. Then, dinala ko na sa aking sasakyan yung bag para i-check. (May) mga alahas, ATM, IDs, passbook, then cellphone, ” ani Cabrera.
Hindi na raw niya tinapos ang pagkain at agad sinundan ang direksyon ng sasakyan ng may-ari ng bag, na isang negosyante.
Nakita niya itong nakaparada sa gilid ng highway sa bandang Tarlac, at inabot ang bag sa may-ari.
Aminado si Cabrera na nasubok ang kanyang katapatan nang makita ang laman ng bag, lalo’t marami raw siyang pinagkakautangan.
“Nung nailagay ko na ho sa sasakyan yung pera, may bumubulong sa akin na, ‘Iuwi mo na yan, marami kang utang’… Pero, pinanindigan ko lang yung pagiging Kristiyano ko, at syempre, may takot tayo sa Panginoon. Nilagay Niya ho tayo sa serbisyo para maglingkod,” aniya.
Dahil sa pinakitang katapatan, binigyan si Cabrera ng ‘award of commendation’ ng Pangasinan Provincial Police nitong Oktubre 12.
“Sa mga kasama ko sa serbisyo, i-maintain lang natin ‘yung paggawa ng good deeds, paggawa ng mabuti,” ani Cabrera na 7 taon na sa serbisyo.(PFT team)