Advertisers
NILINAW ni Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na tanging ang mga nasa edad 18 hanggang 65-anyos ang makakalabas sa kanilang tahanan sa Metro Manila.
Ayon pa kay Olivarez ang naturang direktiba ay alinsunod sa napagkasunduan ng mga alkalde na miyembro ng MMC, na edad 18 hanggang 65 lamang ang pinapayagang lumabas sa kanilang mga bahay sa kamaynilaan.
Pero ang 15 to 65 years old na pinayagan aniya ng Inter Agency Task Force ay iiral sa iba pang rehiyon.
Una nang inanunsyo ng Malakanyang na mas pinagaan na ng IATF ang age limit kung saan ang 15 hanggang 65-anyos ay pinapayagang makalabas na ng kanilang mga bahay. (Josephine Patricio)