Advertisers

Advertisers

Bishop Julius Tonel iniluklok na arsobispo sa Zambo

0 96

Advertisers

Pormal na iluklok si Bishop Julius Tonel bilang ikapitong arsobispo ng Archdiocese of Zamboanga sa Agosto 22 sa isang banal na misa na gaganapin sa Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception sa Zamboanga City sabi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP.

Si Bishop Tonel ay naglingkod bilang obispo ng Ipil sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay nang humigit-kumulang 15 taon.

Inihayag ng Vatican ang kanyang bagong assignment noong Abril 25.



Mula noong Disyemvre 10,2021 ay walang Arsobispo ang Archdiocese of Zamboanga kasunod ng pagpanaw ng dating pinuno nitong si Archbishop Romulo de la Cruz na namatay dahil sa matagal na karamdaman.

Ngunit bago pa man pumanaw si De la Cruz, ang archdiocese ay nasa ilalim ng pangangalaga ni Auxiliary Bishop Moises Cuevas, na itinalaga ni Pope Francis bilang apostolic administrator na “sede plena” noong Agosto 11, 2021.

Ang “sede plena” ay isang terminong ginamit upang ipahiwatig na ang isang diyosesis ay inookupahan pa rin ng isang obispo.

Matapos ang pagluklok kay Bishop Tonel, ang Diyosesis ng Ipil ay magiging “sede vacante” hanggang sa isang bagong obispo ay papangalanan ni Pope Francis. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">